Susi Sa Pagbabago
Uri Ng blog: Educational Blog " Susi Sa Pagbabago" Ulat ni De Juras, Rayne Christianne B. Ang paggamit ng wika sa iba't ibang uri ng sitwasyon ay napakahalaga para sa atin dahil ito ay nagsisilbing isang mahalagang instrumento para sa pagpapahayag ng impormasyon sa ating kapwa. Ang wika ay isang makapangyarihang kasangkapan na maaaring gamitin sa politika, kung saan ginagamit ito ng mga politiko upang ipahayag ang kanilang mga plataporma, layunin, at mungkahi sa mga botante. Ito ang nagiging tulay upang maipahayag nila ang kanilang mga adhikain at hangarin para sa bayan, at upang makuha ang tiwala at suporta ng mga mamamayan. Sa kasalukuyang panahon, madalas ginagamit ng mga politiko ang mga salitang pumupukaw ng matinding damdamin na kadalasang nagdudulot ng takot, pagkakahati, at kawalan ng pagkakaisa sa hanay ng mga tao. Halimbawa, ang paggamit ng mga salitang may negatibong konotasyon tulad ng "kaaway," "kalaban," at "...